“Mahirap mamuno sa isang bayang hindi buo”
Makukulay na banners at posters, kaakit-akit na jingles, naglipanang mga proyekto, at samut-saring mga pangako— iilan lamang yan sa mga makikita at maririnig sa nagdaang halalan. Napakaingay ng mga araw sa mga panahong yun ngunit marami sa atin ang hindi nakarinig sa totoong layunin ng mga gumawa ng ingay. Ingay nga bang masasabi kung ang layunin naman nila ay mabuti?
Masasabi kong nagkawatak watak ang ating bayan sa mga panahong ating sinusuri kung sino nga ba ang nararapat mamuno sa ating pamayanan. Kanya kanyang mga pangako at kanya kanyang mga paninira ang maririnig sa bawat sulok ng bansa. Ilagay na lamang natin sa sitwasyon ng bayan ng Mexico sa Pampanga. Matapos maihalal ang mga piniling magseserbisyo sa nasabing tahimik na lugar ay nagsimula na nilang gampanan ang kanikanilang mga tungkulin.
Ang hindi alam ng mga nakararami, ang tahimik na bayan ay mayroong hindi maipaliwanag na ingay sa loob ng munisipyo. Ang mga nahihalal na magseserbisyo ay pawang pinaninindigan ang tungkulin sa kanya kanyang partido-- hanggang sa sitwasyon na hindi na magkasundo ang kanilang mga prinsipyo, at sa simpleng pagpapatupad lamang ng mga batas at resolusyon ito ay lubhang nakakaapekto. Hindi lamang yan ngunit pati na rin sa imahe ng ating bayan at mga nakatira dito.
Ang hindi alam ng mga nakararami, ang tahimik na bayan ay mayroong hindi maipaliwanag na ingay sa loob ng munisipyo. Ang mga nahihalal na magseserbisyo ay pawang pinaninindigan ang tungkulin sa kanya kanyang partido-- hanggang sa sitwasyon na hindi na magkasundo ang kanilang mga prinsipyo, at sa simpleng pagpapatupad lamang ng mga batas at resolusyon ito ay lubhang nakakaapekto. Hindi lamang yan ngunit pati na rin sa imahe ng ating bayan at mga nakatira dito.
Anong nangyari sakanila? Hindi ba nila alam ang totoong layunin kung bakit sila nandon? O sadya lamang nakakasilaw maging isang lider dahil nasa iyo ang kapangyarihan? Ang sagot sa mga prangkong tanong na ito ay maiaakibat sa esensya ng namumuno. Ano nga ba ang isang lider? Paano maging isang mabuting lider? Ang pinaka payak na deskripsyon ng isang lider ay isang tao na may kakayahang mamuno sa isang bagay o lugar. Isa itong tao na may layunin, at may kakayahang gawing possible ang kanyang layunin. Ang layunin ay isang bagay na nais maabot sa takdang panahon na nangangailangan ng masusing pag aaral. Maipapatupad lamang ito kung nagkakaisa ang mga taong nagnanais nito. Ang isang lider ay may mga katangian na naiiba sa ibang nasa paligid nya. May integridad, kailangan maniwala ng mga tao na mayroon kang magandang layunin na nakakabuti sa nakararami at hindi lamang pansarili. Nakikinig sa opinyon ng iba, kailangan din na ang isang lider ay nakikiisa sakanyang mga kasama at gingamit ang kanilang mga natatanging kakayahan upang maabot ang layunin. Positibo, and lider ay kailangang nanghihikayat at ginagantimpalaan ang mga kasama sa nagawang tama at para gumawa ulit ng tama. Ang isang aktibong lider ay nagpapahiwatig ng malaking respeto sakanyang mga tagasunod at sinusuportahan ang mga mungkahi na mapapakinabangan ng mas nakararami. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagsunod sa isang sistema; na sa kasalukuyan nating sitwasyon ay ang legalisadong konstitusyon ng Pilipinas. Ang pinaka importanteng katangian ng isang lider ay ang pagpayag sa pagsasabi ng katotohanan. Katotohanan na nagrerepresenta sa boses ng nakararami. Katotohanan na walang sino mang pinapanigan maliban sa mga nasa tama. Ngunit alalahanin natin na minsan sadyang masakit malaman ang katotohanan. Isa itong makapangyarihang salita na mahirap unawain na maaring maging dahilan ng pagbagsak ng iba. Walang maipapares sa isang lider na nagsasabi ng katotohanan na malayang sinusuportahan ng kanyang mga taga sunod.
“Ang pamumuno ay pagsuporta sa mga magandang ideya, ngunit sa mga tamang ideya.”
Gayunpaman, isang bagay lamang ang hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaroon ng hindi pagkakasunduan. Inihalal sila upang magserbisyo makaisip ng magandang layunin at maipatupad ito. Anong hindi nila ipagkakasundo kung parepaprehas naman na maganda ang kanilang nilalayon? Ngayon pwede na bang sila ay magkaisa para sa isang maganda at tamang layunin? O magsisilbi na lamang pawang mga kawayan na kahit saan maipadpad ng hangin ay duon mananatili? Ano man ang iyong sagot isang bagay lang ang sigurado, kailangan ng lider ang kanyang mga taga sunod at kailangan ng mga tagasunod ang isang lider. Isa itong maaasahang proseso na napatunayan at subok na sa mga nagdaang panahon.
Ang mga krisis na kinakaharap ng gating bayan ay nangangailangan ng seryosong atensyon mula sa mga lider at nasasakupan nito upang maabot at isang maganda at tamang layunin. Nawa sana’y iwaksi na ang pamumulitika at isaisip ang pagkakaisa. Upang magbigay hakbang tungo sa isang layunin, kailangan natin ng isang totoong lider.
*image: deviantart.com/MtRis
No comments:
Post a Comment