“Mahirap mamuno sa isang bayang hindi buo”
Makukulay na banners at posters, kaakit-akit na jingles, naglipanang mga proyekto, at samut-saring mga pangako— iilan lamang yan sa mga makikita at maririnig sa nagdaang halalan. Napakaingay ng mga araw sa mga panahong yun ngunit marami sa atin ang hindi nakarinig sa totoong layunin ng mga gumawa ng ingay. Ingay nga bang masasabi kung ang layunin naman nila ay mabuti?
Masasabi kong nagkawatak watak ang ating bayan sa mga panahong ating sinusuri kung sino nga ba ang nararapat mamuno sa ating pamayanan. Kanya kanyang mga pangako at kanya kanyang mga paninira ang maririnig sa bawat sulok ng bansa. Ilagay na lamang natin sa sitwasyon ng bayan ng Mexico sa Pampanga. Matapos maihalal ang mga piniling magseserbisyo sa nasabing tahimik na lugar ay nagsimula na nilang gampanan ang kanikanilang mga tungkulin.